Science and Business: A Symbiotic Relationship

The relationship between science and business has always been a controversial one. Science, once a discipline completely separate from business has now become a necessary aid in its development. Businesses require new technologies in order to operate efficiently; science needs the support of other industries to aid in its burgeoning growth. Their relationship has become one of give and take.

ImageLooking back, science has served as a catalyst for industrialization. This led to technological advancements and the improvement of various developing countries’ economic footings. The Industrial Era has shown that the countries that prosper the most are those that ride the advancement of technology. Science, however, needs the backing of business to develop. Moreover, business relies on the development of science to prosper. As a clarification though, science does not exist because of business nor does business exist because of science. Both of these exist as human means to various ideals: improvement of lives, profit, convenience and the like.

Image

The progress in science and technology usually occurs due to the availability of funds which serve as “investments”. Experts see these to be a potential source of business. This process repeats itself as scientific R&D advances, and thus, businesses also progress. There have been countries which previously had strong economies that crumbled down because they were not able to “ride” with the waves of science. Moreover, there are also countries which adopt unsustainable and environmentally harmful practices, which in the end, do not benefit them. As an effect, quality of living and even of the environment is adversely affected.

Image

Science constantly innovates while businessmen continually pursue industrial growth. In this era of rapid industrialization, the relationship between business and science has become more apparent. Given that, I would still like to believe in business sustainability through proper support of scientific research and the increase in funding for the advancement of science, especially in urgent and significant matters such as climate change, and biotechnology. These measures would not only lead to improvements in our economy, but also enhancement of the quality of living and the environment.

Image

I am a citizen of a less-developed country. As such, the value of the relationship between business and science is even more evident to me. I think. I care. I value.

By: SCI 10 – Section GG – Platinum Group

Kalandian vs. Crush vs. Gusto vs. Mahal

Tuwing nagkakaroon ang aking klase sa FIL 14 ng mga diskusyon ukol sa iba’t ibang paksa, ‘di ko alam kung bakit laging nadadawit ang usapin ng pag-ibig, pagmamahal, pag-irog (o anupamang kasingkahulugan nito) sa mga naturang paksa. Dahil na rin sa aking mga karanasan sa unang taon ko sa kolehiyo kaya minabuti kong iproseso ang mga katagang “kaladian,” “crush,” “gusto,” at “mahal” na kadalasang naa-associate sa salitang pag-ibig lalo na sa aking henerasyon.

Oo, wala akong mahanap na Tagalog na katumbas ng salitang “crush,” seryoso. Ngunit para naman sa ibang mga salita, ibibigay ko na rin ang Ingles na katumbas nila upang mas bigyang linaw kung mayroon mang ‘di lubusang maintindihang salita sa mga nasabing termino: kalandian – flirt buddy, gusto – like, mahal – love. Ngayon, gusto kong bigyang liwanag ang apat na katagang iyan; gusto ko silang ma-define sa perspektibo ng isang tulad kong mag-aaral sa pamantasan ng Ateneo de Manila.

Babala: Lahat ng bagay sa mundo ay walang kasiguraduhan, maging ang blog entry na ito’y ‘di nagdidikta ng kung ano ang tama o maling depinisyon.

Kalandian

“Pare, ano na palang nangyari sa inyo ni May? Gago, puwede ‘yon bigyan ng Puwede Award, ah.” ‘Yan ang ilan sa mga linya na kadalasang maririnig mo mula sa iyong mga kaibigan. Pansining medyo walang “respeto” ang pagkakasabi. Dahil na nga rin sa gestures na ginagawa n’yo ng kalandian mo kaya’t naiisip ng mga taong may something kayo kahit wala naman talaga. “I love you, babe.” (Kahit ‘di naman totoo. HAHA.) ‘Yan ang isang halimbawa ng katagang binabanggit mo sa isang kalandian lamang, pansinin ding wala naman talagang kahulugan ito. Maraming variant ‘yan, nandiyan ang pagsasabi o ngayo’y pagtwee-tweet na ng: “I miss you so much, “I wish you’re here by my side,” “I miss your hugs and kisses,” ang paghahalikan sa harap ng maraming tao, at marami pang iba. Ang masaklap rito: bagaman ang mga ginagawa ninyo’y pawang para lamang dapat sana sa mga magkasintahan o ‘di kaya’y mag-MU, wala naman talaga itong kahulugan.

Maraming posibleng dahilan ang pagkakaroon ng mga kalandian: ang talagang malandi ka lang talaga, ang talagang nito-tolerate mo lang ang malandi mong kaibigan, at ang pagkakaroon ng one-sided kalandian na may katambal na one-sided love. ‘Yung panghuli ang pinakamasakit. Nagmamahal na pala ‘yung isa, nanlalandi lang pala ‘yung minamahal niya. Hay, buhay. Minsan, kailangan mo ring mag-ingat sa panlalandi dahil nga sa mga pinaggagagawa’t pinagsasasabi n’yo sa isa’t isa ay kadalasang nagkaka-develop­-an kayo, kaya’t kung malinaw sa isa’t isa sa inyo na hanggang “landian” lang kayo, mag-ingat kayo. Know your limits. Oo nga pala, dahil na rin sa inyong mga ginagawa, ang iyong kalandian din pala ang kadalasan mong pagpapantasyahan sa kasagsagan ng Earth hour (Nakapatay lahat ng ilaw sa kuwarto. Hahaha!). #AlamNa

Crush

OMG. She’s so pretty talaga; I wanna cry! HUHUHU.” “Shet, broI saw her na naman sa SEC walk. We are destined for each other talaga. HUHUHU. She’s so pretty!!!” Hahaha. ‘Yan ang ilang halimbawa ng mga linyang kadalasan mong binabanggit kapag pinag-uusapan mo ang iyong crush sa iyong mga kaibigan. Ang iyong crush ay ‘yong kadalasang ‘di mo talaga kakilala, ‘yung tipong nasalubong mo lang tapos na-starstruck ka kaya crush mo na agad. Nagmamadali, teh? Haha. Ito ‘yung tipong, “in your dreams” mo lang talaga makakasama. Kaya nga nagkaroon ng terminong celebrity crush, eh, dahil maliban na lang kung talagang suwerte ka sa larangan ng crush life mo’y talagang in your dreams mo lang siya makakasama.  Hahaha. Oo, maniwala ka. Ilan sa mga kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng crush sa isang tao ay dahil sa: sobrang ganda niya, cute siya, ang galing niya kumanta, sweet daw siya, at hot siya. Dito rin pala nangyayari ‘yung tipong nakaka-chat mo lang siya sa Facebook, nakaka-tweet sa Twitter at sa kung anumang malagim na dahilan ay mayroon kang mobile number niya kaya’t nate-text mo siya habang nacree-creep out naman siya sa ‘yo. Haha!

Dahil na nga rin sa kadahilanang ‘di naman talaga kayo magkakilala o kaya’y close kaya’t wala kang pinangangambahang mangyari sa “relasyon” ninyo kaya’t open ka sa mga kaibigan mo ukol sa pagkakaroon mo ng crush sa kanya. Ang iyong crush ang kadalasan mong ibinabanggit sa mga kaibigan mo dahil wala ito masyadong elemento ng confidentiality ‘di tulad ng iyong kalandian, gusto o mahal na may prine-preserve ka pang something. Kung ipinagsisigawan mo sa buong mundo ang kanyang pangalan nang wala naman talaga kayong malalim na pagkakakilanlan, malamang ay crush ‘yon. Haha. Kadalasan, ang isang tao’y may napakaraming crush dahil wala rin naman ito talagang malalim na pagtitinginan sa kung sinumang involveSad ‘no? ‘Di ka niya pinapansin. Haha, “Admiring” from the distance ang peg mo, ‘teh? Haha.

Gusto

I really like you. You are the sun that shines up my whole world. Ikaw lamang ang tangi kong mamahalin. ‘Di kita iiwan, gumuho man ang buong mundo, tanging ikaw lang talaga ang one and only ng buhay ko. You are perfect just the way you are.” ULOL. Haha. Biro lang. Pero, ‘di mo ba na-sense ‘yung sobrang cheesiness nung mga salita? ‘Diyan kasi nagsisimula kadalasan ang mga relasyon: sa pagkagusto. Parang ang epal naman nung bigla na lang love na. Nagmamadali, teh? Haha. Marami sa atin, nagkakaroon muna ng malalim na pagkakaibigan o matagal (o minsan ay mabilis) na estado ng pagliligawan bago nagkakagustuhan. Dito rin pala sa estadong ito ‘yung pagkakaroon ng feeling na tinatawag nilang spark. Kung tutuusin, ito ang maaari nating ihalintulad sa estadong in love ng mga mag-aaral. Kahit papaano’y may lalim na ang pundasyon ng isang relasyon ‘pag nagkagustuhan kayo sa isa’t isa. Dito nga rin ‘yung estado kung saan kadalasa’y magka-text kayo simula good morning hanggang good night araw-araw. Hahaha!

Ito rin minsan ‘yung nakalilito, e. Minsan, ‘di mo lubusang maisip kung bakit gusto mo ang isang tao. ‘Di mo maisip kung bakit siya talaga ang gusto mo kahit na andaming mas magagandang nagkakandarapa sa ‘yo. Ngunit upang bigyang liwanag iyan, kadalasa’y nagkakagusto ka sa isang tao na kilala mo na’t nagustuhan mo ang kanyang pagkatao at na-develop ka na rin siguro sa kanya, o kayong dalawa sa isa’t isa. Tulad ng nauna kong nabanggit, kadalasa’y mysterious ang dahilan ng pagkagusto mo sa isang tao, ngunit tandaan lagi na napakahirap i-reconcile ang pagsabi na gusto mo na ang isang tao kahit pa man ‘di mo pa siya nakikilala. Malabo yata ‘yon, marahil ay nasa estado ka pa lamang ng crush, sobrang pagkakahumaling lamang ang iyong nararamdaman.

Mahal

Love is a choice.” Tulad ng sinasabi ng marami, ang pagmamahal sa isang tao ay isang desisyong iyong pinili dahil gusto mong maging masaya ang isang tao, o ‘di kaya’y gusto mong pabutihin ang kapakanan ng isang tao. Alam mo, ‘yang cheesiness at spark na nararamdaman ninyo’y kadalasang naglalaho rin, ngunit ang natitira sa inyo ay ang desisyon upang mahalin ang isa’t isa. Bakit nga ba nila sinasabing mahirap magmahal? Well, kasi kusang-loob mong pinili magmahal, e. Wala namang pumilit sa ‘yo na, “O, mahalin mo siya, a!” Pinili mo iyon at willing ka magsakripisyo para sa ikabubuti ng mahal mo, kahit pa hindi para sa ikabubuti ng inyong relasyon. Gusto mo lamang na mapasaya siya. Maraming pinag-uugatan ang ganitong nararamdaman para sa isang special someone.

Kadalasan, nagsisimula ito sa pagkagusto na nagiging halong pagmamahal at pagkagusto, ngunit minsa’y ‘di dumadaan sa estado ng pagkagusto, talagang pinili mo na lamang mahalin ang isang tao dahil naniniwala kang masaya kayong dalawa sa piling ng isa’t isa. Maaaring ‘di kayo dumaan sa estado ng spark, ngunit alam ninyo sa isa’t isang mahal n’yo ang bawat isa sa inyo. Kung may pinakamalalim na estado sa aking mga binanggit, marahil ay ito na ‘yun: ang pagmamahal. Ito kasi ‘yung bagay na talagang pinili mong (o ninyong) gawin.

Oo, medyo mahirap i-reconcile ang mga kahulugan ng mga nasabi kong salita, ngunit naniniwala akong nabigyang liwanag ko ang malaking bahagi ng pagpapaliwanag sa mga salitang ito upang turuan tayong lumugar sa kung saan tayo nararapat lumugar. Kunwari, mayroon ka ng gusto (na maaaring mahal mo na rin), sana nama’y huwag ka nang makipaglandian pa sa iba. Tandaan mo, ang pagmamahal sa isang tao ay isang choice. Minahal mo siya, panindigan mo.

Sa pagtatapos ng pagbasa sa blog entry kong ito, iisipin siguro natin kung sino ‘yung mga taong ‘yun sa buhay natin. Sino nga ba? Ikaw na ang bahala. Crush ko sina __________. Nakalandian ko si _________. Gusto ko si ___________. Ngunit ang mahal ko’y si ____________. Syempre, mananalo pa rin para sa akin ang mahal ko. :)

Pagmamahal. Pagkagusto. Pagka-crush. Paglandi.

Jesse Brian B. Lui (122398), II – BS ME, FIL 14 – E 

Ang mga Uri ng Propesor na Makikilala ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo

Kung tutuusin, wala pa akong napakayamang karanasan ukol sa mga propesor sapagkat isang taon pa lamang ako sa kolehiyo. Gayumpaman, ngayong nasa ikalawang taon na ako, napapansin ko na may mga istiryotipikal na mga karakteridad ang bawat propesor na dinaraanan ko. Nariyan ‘yung si terror, si curve at napakarami pang iba. Sa blog entry kong ito, wala akong nais iparating sa sinumang mga naging propesor ko na. Gusto ko lamang bigyan ng liwanag ang mga uri ng propesor na makikilala ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ginawa ko ito sa mithiin na maging isa itong source ng katatawanan at upang makapagbigay na rin ng “Oo nga ‘no!” o ‘di kaya’y “Ay! Si Ma’am/Sir (punan ito ng pangalan) ‘yan!” factor sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Bilang background lamang sa aking sarili, isa akong average na mag-aaral. Ako ‘yung tipong talagang nagsisipag upang makakuha ng marka na sa tingin ko ay nararapat para sa aking mga ginawa. Hindi ako ‘yung tipong gifted na kahit na tumunganga lang sa klase ay makakukuha pa rin ng markang A. ‘Di rin naman ako ‘yung batugan na kaklase mong laging pinagagalitan ng propesor. Kahit pa man ang aking cumulative QPI ay nasa average lang na 2.88. Dahil na rin sa mga karanasan ko sa kolehiyo, pati na rin sa mga naririnig kong mga kuwento ukol sa mga propesor kaya ninais kong gawin ang blog entry na ito. Nais ko silang ilagay sa ilang umbrella na punong-pangkat at tsaka ko pa mas bibigyan ng mga ispesipikong detalye ang bawat pangkat sa ilalim ng nauna ng umbrella groups.

Ang Chill na Propesor

Ang general description ng isang chill na propesor ay: ‘yung tipong hindi nagbibigay ng sandamakmak na trabaho, halos hindi nagbibigay ng mga maikling pagsusulit, tumatanggap ng mga output kahit pa man tapos na ang nasabing deadline, hindi nagche-check ng attendance kaya naman ay kahit lagi kang liban sa klase ay ‘di ka makakukuha ng markang W (withdrawal without permission para sa Ateneo) o ‘di kaya nama’y FA (failure due to absense para sa ilang paaralan). Itong uri ng propesor na ito rin ‘yung madaling kausap: kung gusto niyong ipalipat ‘yung mahabang pagsusulit o ‘yung pagre-report ng proyekto, isang sabi niyo lang sa kanya at mapangingiti kayong lahat sa anumang sagot niya. Para sa ilang chill na propesor, ugali rin nilang magkuwento ukol sa kanilang pang-araw-araw na buhay kaysa magturo ng napakaraming scientific terms. Kunwari, mas pipiliin ng isang chill na propesor sa Agham ang ikuwento kung paano sila nabaha noong Ondoy (umakyat sila sa toktok ng kanilang bahay, kumain ng hotdog, at iba pa) kaysa i-explain ang “incapacity of the sewerage system in the vicinity.” Oo nga pala, ang mga chill na propesor din kadalasan ang mga guro na pinaghihinalaan ng mga mag-aaral sa tanong na, “Saan niya kinukuha ‘yung grades natin?” Ang dalawang uri ng chill na propesor ay ang sumusunod:

  • Ang Mataas Magbigay ng Grado
  • ‘Yung ganitong tipo ng guro ang kadalasang gustong makuha ng mga mag-aaral. Biruin mo ‘yon, konti na nga ang workload nila sa kanilang propesor ay mataas pa ang kanilang makukuhang mga grado. Sino ba ang aayaw sa ganitong uri ng propesor? (Siguro ‘yung mga talagang gustong matuto’t hindi naghahabol ng marka? Haha.) Babalik din naman tayo sa usapin ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Bagaman chill ang propesor na ating pinag-uusapan, alam naman nating well-screened ang mga propesor sa mga paaralan. Alam nila ang kanilang ginagawa. Marahil ay mas pinipili lamang nilang gawing “masaya” ang buhay-estudyante ng kanilang mga mag-aaral.
  • Ang Katamtaman Magbigay ng Grado
  • Ito ‘yung tipo ng propesor na ayaw siguro makuha ng grade conscious students. Marami ngang nagsasabi na, “Fun prof, siya,” ngunit ‘di naman makukuha ng ilang mga mag-aaral ang kanilang mga pinagtrabahuhang marka. May ilang chill prof kasi na dahil nga sa minsa’y ‘di mo na rin alam kung saan nila hinuhugot ang mga marka mo kaya’t nakakukuha ka ng “hulang marka” na kadalasan umano’y nasa C+ hanggang B lamang. Oo, chill nga siya. Ngunit kung tutuusin, kung magpapagawa lamang siya ng mga gawain, kaya naman sana makakuha ng markang B+ o kahit pa ng A ang ilang mag-aaral. Kaya minsa’y off din ang ganitong uri ng propesor para sa ilang mag-aaral.

Ang Cool na Propesor

Bagaman maraming may gusto makakuha ng isang chill na proesor, naniniwala akong mas marami na naman ang may gustong makakuha ng cool na propesor. Ang depinisyon ng isang cool na propesor ay ‘yung tipong: matututo ka sa mga kuwento niya, hindi ka mabo-bore sa klase, mae-enjoy mo ang kurso kahit pa man isa ito sa mga ‘di mo talaga trip na kurso. Siya ‘yung tipo ng propesor na mamahalin mo at ‘di mo makalilimutan. ‘Yung klase niya ‘yung tipong klase na ayaw mong maging liban sapagkat ‘di mo alam kung ano ang susunod niyong gagawin na fun. ‘Di tulad ng chill na propesor, marami kang matututunan sa kanya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kunwari: marami kayong mga asignatura sa ibang mga kurso, magiging mas mabait siya sa extension ng deadlines, pagmamarka sa mga gawain, at iba pa. Para sa ganitong uri ng propesor, wala akong maibibigay na mga kategorya. Gayumpaman, mayroon akong maibibigay na dalawang posibleng marka na iyong makukuha kung maging propesor mo siya:

  • A
  • B+

Ang Master Curver na Propesor

Hindi ko sigurado kung ano ang aking mararamdaman ukol sa mga ganitong uri ng propesor. Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman na ako’y naloloko o nadadaya sa aking edukasyon, ngunit dahil na rin sa mga kababalaghang tinatawag nating curve na kanilang ginagawa, nagpapasalamat na lamang ako kung naging propesor ko sila. Gayumpaman, feeling ko madaya laban sa akin kung naging propesor sila ng mga kaibigan ko. Haha. Ang terminong curve ay nangangahulugan ng pag-a-adjust ng mga marka ng mga mag-aaral sa paraang pipiliin ng propesor. Nariyan ang mga sumusunod na halimbawa: lahat ng mga mag-aaral ay bumagsak sa test; ang pinakamataas na markang nakuha ay 60/100; gagawing highest possible score na ang 60. Kaya nama’y ang dating bagsak na markang 60 ay magiging A na. Isa ring halimbawa ang pagkakaroon ng pagsusulit na may “highest possible score” na 80, ngunit ang talagang bilang naman ng puntos na maaari mong matamo ay 100. Maraming paraan ng pagcucurve, kaya nama’y nandito ang dalawang uri na aking nakikita na mga master curver.

  • Sobra-sobrang Curving kasi “Hindi raw Marunong Magturo”
  • Ito ang uri ng propesor na sasabihan mo ng, “What? Mayroon din kasing mga propesor na marahil ay sadyang baguhan pa lamang kaya ‘di pa sanay magturo. Tulad na lamang ng isa kong propesor sa isang asignatura noong unang semestre ng aking unang taon sa pamantasan: bagsak ang aking mga maikling pagsusulit, katamtamang marka (C+) ang mga nakuha ko sa aking mga mahabang pagsusulit. Marami sa klase ay talagang bagsak ang class standing. Ngunit may konting (o sobrang) curve magic na naganap kaya naman ay na-exempt pa ako sa panghuling pagsusulit at nakakuha pa ng markang B+, samantala’y dalawa lamang sa aking klase ang talagang bumagsak. Sabi nila, kadalasan daw ay mabait magbigay ng marka ang mga baguhang propesor dahil iniiwasan umano nila maging on probation na maaari umano nilang matamo kung walang pumapasang estudyante sa kanyang klase na marahil ay sa kadahilanang wala silang natutuhan.
  • Tamang Curve lang
  • Mayroon din namang mga mababait na propesor na talagang ugali lamang nilang mag-curve upang siguruhing relative sa mga natutuhan at naipakitang gilas ng kanilang mga mag-aaral ang mga nakukuhang marka ng ilan. Bilang guro rin daw ay nais din naman nilang bigyan ng matataas na marka ang kanilang mga estudyante at isa ito sa mga umano’y “patas” na paraan upang markahan ang kanilang mga estudyante. Kadalasan, ito ‘yung tipong ang pinaka-curve na ay iyong magtrato sa pinakamataas na iskor sa klase bilang ang magiging HPS ng naturang pagsusulit. Kahit papaano, ‘di tulad ng naunang nabanggit, alam pa rin ng mga mag-aaral kung saan nanggaling ‘yung kanilang “mataas na marka.”

Ang Tipikal na Propesor/Guro

Kung ating titingnan ang isang tipikal na propesor, ito ‘yung uri ng guro na marahil ay maihahalintulad mo sa guro mo noong ika’y nasa mataas na paaralan pa: tama lang ang pagbigay ng mga trabaho, walang bago: basa, aral, pagsusulit ang peg. May mga maikling pagsusulit, mahabang pagsusulit, essay/papers, at iba pa na ginagawa mo kahit noong nasa hayskul ka pa. Marahil din ay ito ang uri ng propesor na makalilimutan mo makalipas ang siguro mga limang taon matapos mo siya maging guro. Wala akong nakikitang variety ng ganitong uri ng propesor sapagkat tipikal nga. Kahit sa pagmamarka, ibibigay niya ‘yung “deserve” mo, ‘di rin naman siya super taas magbigay ng marka o sadista. Tama lang talaga. ‘Pag nagtanong-tanong ka ukol sa mga tipikal na propesor, ang isasagot sa ‘yo ng mga naging estudyante nila’y: “(S)he’s okay.

Ang Terror na Propesor

Ito na. Marami sa atin ang kadalasang nagtatanong, “Is he terror?” ‘Yan ang isa sa mga kinatatakutang uri ng propsesor na ayaw makuha ng mga mag-aaral. Kadalasan ay ito ‘yung uri ng propesor na ‘di makalilimutan ng kanyang mga mag-aaral kahit pa makalipas ang ilang taon. Kadalasan kasi, nagiging sobrang miserable ang buhay ng ilang mag-aaral sa ilalim ng isang terror na propesor. Kung magbigay kasi ng trabaho o magbigay ng tanong sa mga pagsusulit ang mga ‘ika nga nila’y mga terror na propesor, talagang mapaiiyak ang mga mag-aaral. Gayumpaman, kadalasa’y naa-appreciate ng mga mag-aaral ang naturang mga propesor sa bandang huli na lamang ng termino. Dito kadalasan nare-realize ng mga mag-aaral na talagang natuto sila sa kanilang propesor at napakamakabuluhan ang naging ride nila kasama ang propesor na ito. Mayroon din naman palang ilang terror prof na talagang sadyang terror lang. ‘Yung talagang, ewan ko, basta minsan gusto mo na lang silang saksakin at paikutin ang kutsilyo sa mga laman nila. Haha! (biro lamang) Gayumpaman, kadalasan ay ‘di pa rin kinukuha ng mga estudyante ang mga terror na propesor. May dalawang uri ng terror na propesor na lubhang magkaiba para sa ilan.

  • Ang Nagcu-curve sa Dulo ng Semestre
  • Ito ‘yung mga sobrang lovable na propesor. Pinahihirapan nila ang mga mag-aaral ngunit magiging talagang worth it naman sa dulo ng semestre dahil magcu-curve sila. Oo, nahirapan nga ang mga mag-aaral, ngunit talaga namang na-train sila at natuto sa ilalim ng nasabing terror na propesor. Dagdag puntos pa ang pagbibigay sa kanila ng mataas naman palang marka na hindi nila aasahan sa buong kahabaan ng termino. Betrayal of expectations of a terror professor, ‘ika nga ng iba. Haha! Ito ‘yung tipong, “I will always miss that prof. He’s the best.” Sa kabilang banda, mayroon din namang mga lovable na terror na guro. Sila ‘yung kahit na napaka-challenging lahat ng mga pinagagawa sa kanilang mga mag-aaral ay mataas naman sila magbigay ng marka. Minsan din ay nagbibigay ng napakaraming bonus works ang mga ganitong uri ng propesor upang tulungan ang kanyang mga mag-aaral na pataasin pa ang kanilang mga marka.
  • Ang Talagang Sadistang Mabi-bitter Ka
  • Kung mayroong mga nagiging “mabait” sa dulo ng semestre, nariyan din naman ang ilang mga talagan sadyang terror na propesor na matapos kang pahirapan at lahat-lahat ay ‘di pa magiging considerate sa marka mo. ‘Yung tipong kulang ka nalang ng 0.01 para makakuha ng markang C ay markang D pa rin ang ibibigay sa ‘yo. Kahit na nagkaroon ka ng substantial exponential improvement sa kahabaan ng semestre ay ‘di ka niya tutulungan iangat gamit ng “konting magic” ang marka mo. Hay, ilan sila sa mga dahilan kung bakit mahirap maging estudyante. Ito ‘yung sinasabi kong gusto kong saksakin at paikutan ng kutsilyo sa laman. Haha! (biro lang)

Sa aking unang taon sa Pamantasan ng Ateneo de Manila, ‘yan ang ilan sa mga istiryutipikal na propesor na nakasalamuha ko. Marami pa sigurong iba ngunit naniniwala ako na kahit papaano ay maikakahon at maikakahon ang karamihan sa mga propesor na ito sa mga naibigay kong pamantayan. Gayumpaman, mayroon din namang mga propesor na mixed ang mga karakteridad. Kunwari na lamang ay kung may kilala kang propesor na: “terror” ngunit “cool” at “master curver.”

Sa bandang huli, nararapat nating tandaan na bilang mga propesor at guro, ang pangunahing layunin nila ay ang siguruhing natututo ang mga mag-aaral sa kanilang kurso. ‘Yon ang pinakamahalaga sa lahat: ang matuto ang bawat mag-aaral. Kung tutuusin, kung talagang masipag ang isang mag-aaral, naniniwala akong ‘di magiging hadlang ang sinumang propesor upang ‘di makuha ng mag-aaral ang deserve niya: pagkatuto, hindi marka.

- Jesse Brian B. Lui (122398), II – BS ME, FIL 14 – E

Bakit Ako #Nag-SamarTakeTwo?

Tuwing enlistment period ng mga mag-aaral ng Mga Paaralang Loyola ng Pamantasan ng Ateneo de Manila, hindi naming maiiwasan ang magtanong-tanong ukol sa mga guro ng bawat kurso upang malaman namin kung sino ang aming agad na icli-click sa aming mga AISIS account. Dahil na rin sa Facebook, nagagawa naming magkaroon ng mga kumbaga’y maliliit na open forum ukol sa mga guro. Kunwari, magpopost ako sa Facebook group ng aking mga kaantas, isusulat ko, “Hey guys! :) How is Samar for Fil12?”

Isa sa aking mga sa aking mga screenshot na usapan ukol kay G. Samar. Nicensore ko ang mga pangalan at mukha na aking nakita.

(1) Isa sa aking mga screenshot na usapan ukol kay G. Samar. Ni-censore ko ang mga pangalan at mukha na aking nakita.

(2) Isa sa aking mga sa aking mga screenshot na usapan ukol kay G. Samar. Nicensore ko ang mga pangalan at mukha na aking nakita. 'Yung bandang naka-X, hindi si G. Samar ang pinag-uusapan, kundi ang "Econ prof" na nauna na ring binanggit ng nagpost.

(2) Isa sa aking mga screenshot na usapan ukol kay G. Samar. Ni-censore ko ang mga pangalan at mukha na aking nakita. ‘Yung bandang naka-X, hindi si G. Samar ang pinag-uusapan, kundi ang “Econ prof” na nauna na ring binanggit ng nag-post.

(3) Isa sa aking mga screenshot na usapan ukol kay G. Samar. Nicensore ko ang mga pangalan at mukha na aking nakita.

(3) Isa sa aking mga screenshot na usapan ukol kay G. Samar. Ni-censore ko ang mga pangalan at mukha na aking nakita.

Aba, magdadagsaan na ang mga like at comment ukol kay G. Samar. Bagaman iba-iba ang mga pananaw ng bawat mag-aaral ukol sa isang guro, nabibigyan kami ng ideya kung anong klaseng guro ang isang ispesipikong tao. Narito ang ilan sa mga kadalasang tanong namin bilang mga estudyante:

Is he an easy-A? (Madali bang makakuha ng markang A sa klase niya?)

Does he curve? (Isinasaayos niya ba ang mga marka ng kanyang mga estudyante upang kahit na mababa ang mga ito, magiging mataas ang mga ito pagdating ng panghuling marka?)

Is he fun? (Masaya ba ang mga diskusyon ninyo sa klase?)

Is he terror? (Sadista ba siya magbigay ng grado o ‘di kaya naman ay sandamakmak na trabaho ang kanyang ipinagagawa sa napakaliit na takdang oras lamang?)

Hindi ko direktang sasagutin ang mga katanungan na iyan, ngunit bibigyan kita ng ilang dahilan kung bakit ko nga ba muling pinili si G. Samar para sa kursong Panitikan ng Pilipinas. Kung tutuusin, mayroon pa akong dalawang pagpipilian noon, si G. Francisco Carlota (madali umanong makakuha ng markang A sa kanyang klase) at si G. Michael Coroza (na isa umanong napaka-interactive na guro). Bago pala ang aking listahan, nais ko munang bigyan ng pambungad ang pangalan na “Edgar Calabia Samar” sa paningin ng karamihan sa aking batchmates na naging guro siya sa Sining ng Pakikipagtalastasan I o Sining ng Pakikipagtalastasan II.

Kilala siya bilang isang “terror” na guro. Nakatatakot daw siya magbigay ng mga pagsusulit. ‘Yung tipong mga tanong daw na magpapadali sa buhay mong makakuha ng markang D o F sa kanyang mga mahabang pagsusulit ang mga makaeengkuwentro mo.  “Weird” din daw ang mga pinapagawa niyang pagsasanay. May mga babasahin din daw siyang “shocking” para sa ilang napakakonserbatibong tao. Higit pa rito, minsan daw ay nakadudurog ng puso ang pagkakaroon ng rejected blog entries ng ilan niyang mga naging estudyante. Gayunpaman, marami rin naman ang nagsasabi na isa s’yang kakaibang (sa mabuting paraan) guro na talagang masusulit mo raw ang binayad mo sa iyong tuition fee. Talagang matututo ka raw sa kanyang mga diskusyon. Higit pa rito, ginagawa raw niya ang kanyang makakaya upang pataasin ang mga panghuling marka na ibibigay niya sa inyo (hindi ito sa pamamagitan ng konseptong alam natin ukol sa “curving“). Ngayon, handa na akong ibigay ang aking tatlong pangunahing dahilan ko kung bakit ako #Nag-SamarTakeTwo.

Ito’y isang litrato ni Ginoong Edgar Calabia Samar. (Mula sa: http://farm1.staticflickr.com/112/314777503_90803bd0a3_z.jpg?zz=1)

#HindiTipikalNaGuroSiGinoongEgaySamar. Marami kang matututuhan sa kanya na “kakaiba.” Ibig kong sabihin, hindi s’ya iyong tulad ng karamihan sa mga guro natin na magtuturo ng mga bagay-bagay na kumbensiyonal na magdudulot sa iyong: mangopya gamit ang iyong kuwaderno at aralin ang nakopya sa bahay sapagkat magkakaroon ng maikling pagsusulit ukol sa mga bagay na iyong kinopya – aka memoryadong mga pagsusulit, ‘ika nga ng iba. Bibigyan ka niya ng mga pagkakataon bilang isang mag-aaral na itaguyod (at lumiha ng sarili mong) ang sining at panitikan. Mayroon siyang mga “pagsasanay” na tuturuan kang gumawa ng mga tula na may ispesipikong mga kahingian (dalit, diona, tanaga, may/walang impit, malakas/mahinang tugmaan, at iba pa). May nalalaman pa siyang mga pagsasanay kung saan gagamitin mo ang mga typographical elements ng pipiliin mong salita upang gumawa ka ng larawan na may koneksiyon sa salitang napili. Mayroon din siyang mga babasahin na “kakaiba.” Tulad na lamang ng pinabasa niya sa amin na “Cubao 1980” ni Tony Perez. Iyong babasahing iyon ang nagmulat sa mata ng karamihan sa aking mga kaklase sa mundo ng, sabihin na lang nating, “medyo R-18.” Gayunpaman, hindi naming ito sinuri bilang isang malaswang teksto. Tiningnan namin ang teksto bilang isang produkto ng panitikan na may sariling mithiin o layunin. Higit pa sa mga ito, mayroon din siyang mga pagsasanay na… #NoToSpoilerAlert. Kunin mo na lang siya bilang iyong guro sa susunod na pagkakataon upang magkaroon ka ng sarili mong #SamarExperience.

#HindiBoringAngMgaDiskusyonSaKlaseNiGinoongEgaySamar. Hindi ito ang klase na wala kang mapapala kung pumasok man o lumiban ka sa klase. Dahil na nga sa pagkakaroon ng mga “kakaibang” pagsasanay at mga babasahin na tinatalakay namin sa klase, nagiging interactive ang kanyang klase. Oo nga pala, sa simula ng bawat sesyon, nagbabahagi siya ng excerpts mula sa mga tula, kuwento, o anumang produkto ng panitikan na nais niyang ibahagi sa personal na ring kadahilanang gusto niyang payamain ang sense of culture ng kanyang mga mag-aaral. Bago ko makalimutan, isa rin pala siyang Palanca Awardee para sa ilang akda na isinulat niya. Balita ko nga, magsusulat na naman siya ng panibago niyang nobela, abangan niyo ‘to! Dahil na rin siguro sa kanyang natural na pagiging isang “manunulat” kaya sanay siyang “magdala” ng mga sesyon sa klase na marahil ay nagiging bahagi ng isa niyang aklat na kasulukuyan pa rin niyang binubuo na tatawagin na lamang natin sa bansag na, “Ang Mga Engkuwentro ni Egay sa Kanyang mga Mag-aaral.” Ayon sa ilan kong mga kakilala, kinukuha na lamang nila ang ilang guro sa kadahilanan na mataas ito magbigay ng marka, o ‘di kaya nama’y mabait, ngunit karaniwang reklamo naman nila ang “Boring ang klase.” Kahit pa pala sa labas ng klase, ‘di rin boring ang buhay sa ilalim ni G. Samar. Kakailanganin mong magpasa ng apat na tanggap (oo, minsan ay nare-reject) na malikhaing blog entries (na tatalakayin niya pa nang mas detalyado sa Schola Brevis) sa kahabaan ng semestre. Ang mga ito ang magsisilbing iyong pakikilahok sa klase o recitation grade. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ka ng pagkakataon gamitin ang iba’t iba mong talento o kaisipan upang makakuha ng puntos para sa pakikilahok sa klase na kadalasan ay dalawampung bahagdan ng iyong kabuuang panghuling marka. Kung kukunin mo si G. Samar bilang iyong guro, #BoringClassesNoMore.

#MahirapMakakuhaNgMarkangFSaKlaseNiGinoongSamar. Mas madali pa ngang makakuha ng markang A kumpara sa markang F. Hindi ako nagbibiro. Oo, nakakuha ako ng markang A sa klase ni G. Samar noong nakaraang semestre (FIL 12). Mayroon siyang kakaibang sistema ng pagmamarka ng mga gawain/pagsasanay ng kanyang mga mag-aaral. Base pa rin naman ito sa sistema ng paggamit ng QPI sa Ateneo de Manila. Gayunpaman, mas nakatutulong ang kanyang sistema upang makakuha ka ng mas mataas na marka. Ayaw ko sanang direktang sabihin dito ang sistema ni G. Samar dahil magmumukhang ni-record ko lamang ang kanyang sinabi noong Schola Brevis, ngunit para na lamang sa mga hindi nakaaalam: karamihan sa inyong mga gawain ay magtuturing sa markang 4.00 bilang ang pinakamataas na marka na posibleng makuha. Kunwari, mayroon kayong 20-point quiz, bawat numerong maitatama mo ay may puntos na 4.00/20=0.2. Dahil dito, limang (5) tamang sagot lamang ang iyong kinakailangan upang makakuha ng markang 1.00 na katumbas ng isang D (pasang-awa). Samantala, sa pangkaraniwang grading system, ang pasang-awang marka sa isang 20-point quiz ay 14 (70% = D). Sa dulo ng semestre, ia-average niya ang inyong mga marka at nasa kanya na ang desisyon depende sa iyong ipinakitang galing (o interes siguro) sa klase niya kung pipiliin niya ang nakatataas o nakabababang marka kung saan man lumagay ang iyong average grade. Kunwari, nasa 3.51 ka, ito’y maaaring maging isang B+ (na may ceiling na 3.50) o A (na may ceiling na 4.00) sapagkat nasa gitna ng dalawang letter marks na ito ang iyong final average. Naguguluhan ka ba? Kung oo, basta magtiwala ka na lang sa akin. Para na rin mas maging kampante ka, sa aking block na karamihan ay BS Management Engineering majors, ang markang B+ ang kumbaga’y average grade, ayon na rin sa mga napagtanungan ko. Madaling makakuha ng mataas na marka sa klase niya. Ito pa pala: kadalasan, binibigyan niya ng puntos ang isang pagsasanay relative sa naging perfomance ng iyong mga kaklase. ‘Di siya ‘yung tipo ng guro na sasabihin mong “mataas ang standards. Ang kanyang mga standards ay base rin sa mga galing at talentong ipinamamalas ng iyong mga kaklase. Haha! Kaya, kung ako sa ‘yo, #EdgarSamarForAWorthItSemesterNa.

Bakit ko nga ba ito ngayon lamang ipopost? Sa katunayan, naeenjoy ko ang pagkakaroon ng batchmates ko ng impresiyon kay G. Samar bilang isang “terror” na guro. Kung hindi dahil sa mga ganitong usapin, marahil ay naubusan na ako ng slots sa kanyang klase noong enlistment period. Batch 6 kasi ako noon. Ngayon at there’s no more turning back, gusto kong ipagsigawan sa lahat ng mga Atenistang hindi pumili kay G. Edgar Samar bilang kanilang guro sa Panitikan ng Pilipinas na, “Sinayang ninyo ang inyong oportunidad na magkaroon ng #SamarExperience, #SamarRide at #SamarLife!” ‘Ika nga ng aking matalik na kaibigan na si Kate Lee, #FILIPINOIsMoreFunWithEdgarSamar.

- Jesse Brian B. Lui (122398), II – BS ME, FIL 14 – E